inquire@montessori.edu.ph

Karaniwang kaalaman na sa ating mga Pilipino na ang Araw ng Wika ay isang selebrasyong hindi lamang para sa ating wika kundi pati na rin ng ating pagka-Pilipino. Kasama ng espesyal na araw na ito ang mga palarong Pilipino at mga salu-salong napupuno ng mga pagkaing Pilipino tulad ng mga kakanin at lechon. 

Ngunit hindi lamang ito ang ating pinagdidiwang sa Buwan at Araw ng Wika. Ngayong taon ay labis na inaanyayahan ang mga Pilipino na tangkilikin and wika at kultura ng mga katutubong grupo sa Pilipinas. Dahil dito, ang tema ng Buwan ng Wika ngayong 2019 ay “Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang Filipino”. Nais ipadating ng tema ng Buwan ng Wika ngayong taon na ang mas malalalim na pag-unawa sa mga katutubong wika at kultura ay ang siyang magdadala ng pagkakaisa ng bansang Pilipinas. 

Sa pinakabagong tala ng Komisyon sa Wikang Filipino o KWF ay mayroong 130 katutubong wika na maaaring maging pamanang pangkultura sa mga susunod na henerasyon. Kasama sa tema ngayong taon ay ang paghihikayat sa preserbasyon, pag-papaunlad at pagpapalaganap ng wikang katutubo at pilipino hindi lamang sa mga kabataan kundi pati na rin sa mga matatanda. 

Ang tema ngayong taon ay pakikiisa din sa UNESCO na nagtalaga na ang taong 2019 ay taon ng katutubong wika. Ayon sa mga tala, kapag hindi napangalagaan ng mabuti ay may 2,680 wika ang possibleng maghalo sa buong mundo.

ni: Angela Lauryne Javier