Kamusta mga kapwa mag-aaral ng MIS? Ito ang muling pagsisimula ng isa pang taon! Darating na ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika! Bilang isang mag-aaral dito sa MIS, lagi akong nasasabik na ipagdiwang ang espesyal na okasyong ito. Madalas nating ipinagdiriwang ito sa pamamagitan ng paghahanda ng mga pagkaing Pilipino, paglaro ng larong Pinoy, pagsasalita sa Tagalog, at syempre, ang aking paboritong, pagsayaw! Ngunit ang pinakamahalagang tanong ay, bakit ginagawa natin ang mga bagay na ito? Panatilihin ang pagbabasa upang malaman natin ito!
Ang buwan na ito ay tungkol sa kung paano kaespesyal ang ating bansa at kung paano tayo nakikilala sa buong mundo. Ito ay para sa ating wika, kultura, at ang ating kalayaan. I-
halimbawa natin ang pambansang salawikain:
“Maka-Diyos, Maka-tao, Makakalikasan at Makabansa”
“Noong 1946, si Pangulong Sergio Osmena, sa pamamagitan ng Proklamasyon Blg 35 ng Marso 26 ay nagpahayag ng isang linggong pagdiriwang ng wikang pambansa na tumagal mula Marso 27 hanggang Abril 2 bawat taon,” ang sabi ng PhilStar Global. Ang ibig sabihin nito ay
nagsimula itong selebrasyon na ito noong 1946 pa lamang. Napakatapat natin sa ating bansa,
kahit na puro digmaan sa paligid natin. Manatili tayong matatag na mamamayan ng Pilipinas! At ngayon, sana alam na ninyo kung gaano ka-importante ang Pilipinas at ang kahalagahan ng
pagdiriwang ng Buwan ng Wika.
ni: Sophia Baky